Written by Rene Estremera
|
25 August 2010

UP-Mindanao BA English freshman Julie Kristine de Guzman won First Prize in the "Dear P-Noy" Letter-Writing Contest organized by the Voice of Mindanao (VoM), a youth organization. As per contest rules, the main theme for the message must be “the letter-writer’s message for President Noy, or P-Noy, of his/her dreams for southern Philippines. This message, coming from his/her heart, may contain his/her vision in line with P-Noy’s statement during his inaugural address as Philippine President of his action plan for Mindanao.”
The text of Ms. de Guzman's winning letter follows:
"Dear P-Noy,
Sa pagkakaluklok mo sa pinakamataas na posisyon sa bansa, nasa’yo ang aking tiwala. Hindi man ganoon kalakas ang tinig ko bilang ordinaryong estudyante, hayaan mong maisalaysay sa pamamagitan ng liham na ito ang mga pangarap ko bilang taga-Mindanao. Hindi ka man si Superman o Batman, sana’y magkaisa tayong suportahan ang pagbabago alang-alang sa bayan. Hindi man biglaan ang pagbabago, sana’y makapagsimula tayo.
‘Pag sinabing ‘Mindanao’, takot pa rin ang namamayani sa mga nakakarinig nito. Unti-unting natatabunan ang kagandahan nito dahil sa mga pangyayaring hanggang ngayon ay wala pa ring hustisya. Sana’y maging matiwasay ang pagsasaayos ng hindi pagkakaunawaan – mapa-Lumad man, Bangsamoro o Kristiyano.
Tulungan mong maiangat ang pangalang Mindanao mula sa kanyang pagkalugmok. Tutukan din sana ng iyong gobyerno ang pagsasaayos ng mga imprastruktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal dito sa Mindanao sapagkat lubusan na kaming naiiwan sa pag-unlad.
Pangarap kong mapagmasdan ang bawat bata sa Mindanao na nakabihis-uniporme sa eskwela na bitbit ang lapis at libro. Walang mga tambay sa lansangan. Lahat nasa paaralan at may mga disenteng trabaho ang mga tao kahit hindi nakapag-aral sa kolehiyo. Mabigyan sana ng atensyon ang mga kababayan nating walang ligtas at maayos na komunidad na tirahan. Magkaroon sana sila ng pagkakataon upang may maituring na tahanan.
Pangarap kong magkaroon ng kaayusan sa daloy kalsada. Walang naghahari-harian. Lahat pantay-pantay sa karapatan. Maging ganap na malinis sana ang bawat sulok ng kalsada. Sana’y maituring na lugar para sa kalinisan ang mga lugar sa Mindanao. Mapayabong pa sana ang mga produktong likas sa Mindanao upang magsilbing pang-akit sa mga turista maging sa mga negosyante na magsisilbing daan upang mapayabong ang ekonomiya ng bansa. Sana’y magkaroon ng ngiti sa bawat labi ng taga-Mindanao ngayon at bukas.
Magsilbi sanang tulay ang liham na ito upang marinig mo ang pangarap naming mga taga-Mindanao.
Sumasainyo,
Julie"
A total of 120 letters were submitted by Mindanao youth from ages 11 to 18. The winners were declared on August 20 during the 3rd anniversary of Voice of Mindanao in Zamboanga City. Ms. de Guzman's prizes include a shirt, a phone, a watch, gift packs and an audience with President Aquino in Zamboanga City.
The board of judges were the sister of PNoy Ms. Victoria "Viel" Aquino-Dee as Chairman; Mr. Christian Olasiman, head of the Yo Noy Movement in Zamboanga City; Mr. Ryan Rosauro, secretary-general of the Peace and Conflict Journalism Network; Ms. Frencie Carreon, program head of the Voice of Mindanao; and Ms. Carol Arguillas, editor-in-chief of Davao-based MindaNews.
Sources:
Mindanao Times, Vol. 64, No. 233
http://www.pia.gov.ph/?m=12&r=&y=&mo=&fi=p100824.htm&no=34 (25 August 2010)
http://dateline.ph/?p=6234 (25 August 2010)